Ang depression ay isang seryosong karamdaman na hindi dapat binabalewala. Kung minsan kapag hindi naagapan ay nauuwi sa kamatayan.
Isang OFW sa Taiwan na nakilalang si Patricio Nilayan Aragon, Jr., nasa 40 taong gulang ang natagpuang patay dakong 8:45 ng gabi, November 17, sa kanyang tinutuluyan kwarto sa dormitory ng Manstrong Manpower ng Taiwan Manpower Agency (TMA) ayon sa balita.
Kaagad naman daw tumawag ng saklolo sa mga awtoridad ang management sa ng nasabing dormitory ayon sa balita. At isinugod pa sa ospital ang nasabing OFW, ngunit idineklarang dead on arrival.
Sa ngayon nasa pulis na ang imbistigasyon hinggil sa insidente.
Kung kayo po ay nakakaranas ng depression at wala makausap ay maari po kayong tumawag sa Emergency hotline na 1955, 1980 o 1925 para sa assistance.
Source: Daily Tribune