Manila, Philippines ( Abril 19, 2021)- Nagpalabas ang gobyerno ng Hong Kong ng Travel ban laban sa Pilipinas, simula Abril 20, hanggang Mayo 4, 2021. Ito’y dahil sa sobrang dami ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Kasama sa travel ban ng Hong Kong ay ang bansang India at Pakistan kung saan may mataas ring kaso ng COVID-19.
Matatandaang nitong Linggo ay nagkaroon ng 30 bagong kaso ang Hong Kong kung saan 29 dito ay mula sa mga bansa ng Pilipinas, India at Pakistan.
Ayon naman sa Society of Hong Kong Accredited Recruiters of the Philippines, tinatayang aabot sa 2,000 mga OFW ang maapektuhan sa nasabing travel ban. At nangangamba rin ang grupo na baka gayahin ito ng ibang bansa.
Ayon naman sa POEA, tuloy pa rin ang pag proseso sa ahensya ng mga dokumento ng OFW papuntang Hong Kong dahil dalawang Linggo lang naman ang travel ban.
Sa kasalukuyan ay suspendido pa rin sa pagpapadala ng mga OFW sa Japan at South Korea ayon POEA.