Taiwan (June 17, 2021)- Good news, nasa ikalimang araw na bumababa ang bilang ng COVID-19 sa bansang Taiwan. Ngayong araw ay nagtala ng 175 base sa datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon sa ahensya, ngayong araw ay nagtala ng 175 na mga bagong lokal kaso ng COVID-19, at 19 naman ang naitalang namatay.
Naitala ang mga bagong sa New Taipei City kung saan may 87 kaso, sinundan ng Taipei City na may 34 cases, Miaoli County na may 31 kaso, Hsinchu County ay 10 kaso, at Taoyuan City na may 7 kaso. Samantala ang Hualien County, Keelung City at Taichung City ay nagtala ng tig-dalawang kaso.
Sa kabuuan ay umabot na sa 13,584 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan nasa 12,370 ay local cases at nasa 1,161 naman ay imported cases, 36 mula sa Dunmu Fleet, 1 unidentified, 14 kaso ay under investigation pa, at 2 mula sa Aircraft Cluster. At kabuuang bilang ng namatay pumalo na sa 497 cases base sa datus ng CECC.