Taiwan (July 12, 2021)- Good news para sa mga Kababayan natin sa Taiwan dahil simula ngayong July 13 ay papayagan na ng Gobyerno ng Taiwan ang “Transfer” ayon sa pahayag ng Central Epidemic Command Center.
Ayon sa ahensya dahil sa mababa na sa 50 ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa simula noong July 2, ay papayagan na ang migrant workers na makalipat ng kanilang mga bagong employer kasama na dito ang mga napaso na ang kontrata.
Ang mga employer ay inaatasan na sumunod sa health protocol sa pagtanggap ng mga lilipat at dapat tatlong araw bago lumipat ang transfer na migrant worker ay dapat sumailalim ito sa PCR test upang masigurado ang kaligtasan at maiwasan ang hawaan.