Taiwan (August 25, 2021)- Matapos ang 108 na araw ay muling naghatid ng magandang balita ang Central Epidemic Command Center (CECC), dahil ngayong araw ay walang may naitalang lokal na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong, mula noong Mayo 9 ay ngayon lang ulit na walang naitalang lokal na kaso ng COVID-19 ang bansang Taiwan, pero isa naman ang naitalang imported na kaso mula sa South Africa at isa ang naitalang namatay dahil sa nasabing sakit.
Mula naman Mayo 11 hanggang Agosto 23 ay nasa 13,626 na sa kabuuan ng 14,733 ang mga nakalabas na sa mga quarantine facilities o nasa 92.5% ayon sa CECC.
Sa kabuuang datus ay pumalo na sa 15,939 ang naging kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan nasa 14,507 ay mga lokal na kaso at 1,379 naman ay mga imported na kaso. Samantala kabuuang bilang ng namatay dahil sa nasabing sakit ay pumalo na sa 830.