Taiwan (July 22, 2021)- Update hinggil sa bagyong “In-fa”. Base sa datus ngayong umaga ng PAGASA, ang bagyo ay namataan sa layong 530 kilometers ng Itbayat Batanes kung saan nakataas pa rin ang signal no.1 sa Batanes at Babuyan group of Islands.
Ngayong alas 5:00 ng umaga, ang bagyong “In-fa” ay namataan sa may Southeast ng Miyako Island na kumikilos pa kanluran sa bilis na 10 km/h na taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 150 km/h at bugso ng hangin na umaabot sa 185 km/h. Ayon sa PAGASA.
Ayon naman sa Meteorological Bureau ng Taiwan ang forecast track ng bagyo ay bahagyang tumaas pero asahan ang Extreme Heavy rain sa Hsinchu County Mountain Area at Miaoli County Mountain Area. At malalakas na pag-ulan ang mararanasan mula ngayong umaga hanggang hapon sa mga lugar ng Keelung North Coast, Taipei City, New Taipei City, Taoyuan City, Hsinchu City, Hsinchu County, Miaoli County at Yilan County Mountain Area.