MANILA (May 23, 2021) – Ang Commission on Higher Education(CHED) ay nagbigay na ng pahayag tungkol sa imposibleng pagbabalik ng mga unibersidad at kolehiyo sa face-to-face classes. Nagkaroon na rin ito ng polisiya tungkol sa pag-angkop at pagpapatuloy ng flexible learning setup na ginagamit ngayon ng mga paaralan sa bansa.
Ang pagbabalik ng face-to-face classes ay makaapekto sa lahat ng mga technology investments ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral. Pati na rin sa mga pagsasanay ng mga guro para maka adopt sa online classes at mga pasilidad na ginawa, ito ay ayon kay CHED chairman Prospero de Vera noong Biyernes (May 21, 2021).
Marami ng mga bagong teknolohiya na mas makatutulong sa mga mag-aaral at mga guro sa pag-angkop sa flexible learning na ginagamit ngayon ng bansa.
Hinikiyat ng CHED ang mga kolehiyo at unibersidad na mabigyan ang mga guro at mga empleyado nito ng bakuna laban sa Covid-19 upang makapagpatuloy pa sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.
Ang bansa ay patuloy pa rin sa pagbibigay ng Covid-18 vaccines sa mga mamamayan upang malaban ang pagkalat pa ng nakahahawa at nakamamatay na sakit. Hinihikayat rin ang pagsunod palagi sa mga health protocols laban sa Covid.