Taiwan (May 30, 2021)- Dahil sa matinding pag-ulan ngayong araw sa bansang Taiwan, ilang lugar sa Changhua County ang binaha.
Dakong ala 5:00 ng umaga ng magsimulang umulan sa Changhua ngunit mas malakas na ulan ang naransan sa Changhua County kaninang 7:30 hanggang 8:00, kung saan umabot sa 168 mm ang naitalang ulan sa mga lugar ng LUkang, Fuxing, at Xiushi Township kaya agad ito ng dulot ng baha lalo na ang lugar ay nasa mababang parte. Samantala ang mga lugar ng Changhua City at Dacun Township naman ay nagtala ng 120 mm.
Ayon naman sa Changhua County Fire Bureau, nakatanggap sila ng tawag mula sa 119 kung saan ang iba ay nanghihingi ng saklolo matapos pasukin ng baha ang kanilang mga bahay.
Samantala marami naman ang natuwa dahil sa pag-ulan ngayon lalo na’t nakakaranas ang bansa ng El NiƱo. Ang Changhua County umano ay may rasyon ng tubig na walong oras lang kada araw, kaya laking pasalamat nila na kahit paano ay umulan rin.
Inaasahan rin ng Centra Weather Bureau, na may mga malakas pang pag-ulan sa mga darating na araw.