Taiwan (June 9, 2021)- Galit si Hsinchu City Mayor Lin Chih-chien ng malaman ang balitang nasa 32 na mga Migrant workers mula sa dalawang kumpanya sa Chunan Township ang binook sa isang hotel sa Hsinchu City. Ayon sa kanya ay inilagay nila sa kapahamakan ang mga tao sa kanyang nasasakupan.
Batay sa imbestigasyon ng lokal na pamahalaaan, nalaman umano nila na may nag-checking mga migrant workers sa isa sa mga hotel sa Hsinchu City noong Hunyo 4 at 5. Kung saan galing daw ito sa mga kumpanya ng Foxsemicon Integrated Technology Inc (FITI) at nga Accton Corp., kung saan iisa lang ang kanilang broker.
Napag-alaman ng gobyerno na hindi raw alam ng hotel staff ang kalagayan ng mga migrant workers na binook sa kanila. Matapos ang dalawang araw ay binalik daw ito sa Chunan upang isailalim sa PCR Test kung saan 6 ang nagpositibo.
Dahil sa insidente ay pagmumultahin umano ng Hsinchu governement ang Broker ng isang milyong Taiwan dolyar alinsunod sa Special Regulations on the Prevention and Relief of Severe Special Infectious Pneumonia “violating the contingency measures implemented by the commander of the Central Epidemic Command Center” sa Artikulo 7 at 16.
Sa ngayon ay nasa government facilities na ang mga nasabing migrant workers. At isang guest at siyam na mga hotel staff ay naka-isloate na!
READ MORE.. SOURCE: UDN