Taipei, Taiwan (May 16, 2021)- Bansang Taiwan nagtala ng 206 na bagong lokal na kaso ng COVID-19 ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).

Sa isinagawang presscon ng ahensya, kinumpirma na merong 206 na bagong lokal na kaso ng COVID-19 at isang imported case, kung saan 90 dito ay mga lalaki at 116 naman ay mga babae na edad mula 6 hanggang 65.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa mga lugar ng Taipei 89, New Taipei 97, Changhua
9, Yilan 3, Hsinchu 3, Keelung 2, Taoyuan 2, at Taichung 1.