Taipei, Taiwan (May 23, 2021)- Nasa 287 na namang mga bagong local case ang nadagdag ngayong at 170 backlog at 6 naman ang naitalang nasawi ngayong araw ng Linggo ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC)
Sa isinagawang presscon, kinumpirma ng ahensya na 287 ang mga bagong local case at 3 imported case ng COVID-19 ay Indonesian, Pinoy at Danish. Samantala nasa 170 naman ang backlog at 6 ang naitalang namatay.
Naitala ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa New Taipei City kung saan meron 142 cases, 77 sa Taipei City, 23 sa Taoyuan City, 8 sa Pingtung County, 8 naman sa Nantou County, 6 ang naitala sa Yilan County, 5 naman ang naitala sa Keelung City, Taichung City, at Changhua. Samantala 2 naman sa Tainan City, at tig -isa sa mga lugar ng Hualien County, Chiayi County, Chiayi City, Hsinchu County, Hsinchu City, at Yunlin County.
Samantala ang backlog naman na naitala mula Abr 22 hanggang Mayo 22. Ang 170 local case ay naitala sa mga lugar ng Taipei City kung saan 88 ang naitala, 73 sa New Taipei City, 6 sa Changhua County, tig-isa naman sa mga lugar ng Yilan County, Hsinchu City, at Yunlin County.
Sa Kabuuan ay pumalo na sa 4,322 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Taiwan kung saan 1,111 ay imported case at 3,158 naman ay local case. At 36 mula sa Dunmu Fleet, 2 Aircraft ,1 Unknown source, 14 under investigation pa, at 23 naman ang kabuuang naitalang namatay sa naturang sakit.