Taiwan (October 21, 2021)- Kinokonsidera ngayon ng bansang Taiwan na luwagan ang kanilang restiction border sa buong bansa kung lalagpas na sa 30% ang kumpletong mabakunahan ayon sa Ministry of Health and Welfare (MOHW).
Inaasahan ng MOHW na sa buwan ng November ay luluwagan na ang restriction sa bansa kung maabot ngayong katapusan ng October ang 30% complete vaccination rate. At sa planong pagbubukas ng border ay titingnan pa rin nila ang estado ng COVID-19 sa bawat bansa panggagalingan.
Base sa datus ng MOHW, nitong October 19, ay nasa 23.38% na ang complete vaccination rate ng bansa. Target daw umano ng ahensya ang 70% first dose vaccination rate at 30% complete vaccination rate naman bago ibaba ang level ng COVID-19 alert.