Taiwan (November 3, 2021)- Good news para sa mga migrant workers na gustong makapasok sa bansang Taiwan dahil ngayong hapon araw ng Myerkules ay pormal ng inanunsyo ng Central Epidemic Command Center sa pangunguna ni CECC Head Chen Shih-chung na pwede ng pumasok sa bansa.
Ayon sa ulat ay pormal inaprubahan ang proposal ng Ministry of Labor (MOL) na buksan na ang kanilang border para sa mga Migrant Workers. Kaya naman kahapon sa Hearing sa Legislature ng Social Welfare and Environmental Hygiene Committee ay pormal na pumirma sa kasunduan ang CECC sa pagoayag nitong pagpapasok ng mga migrant worker “effective immediately”.
Sinabi naman ni Minister of Labor Hsu Ming-chun na nagpadala siya ng proposal sa CECC ng pagbubukas ng pinto para sa mga migrant worker dahil sa mababang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Source: Taiwan News