Taiwan (July 21, 2021)- Bagyong Fabian o may international name na ” In-Fa” namataan sa layong 950 kilometers mula sa Taipei City. Base sa datus ng Meteorological Bureau ng Taiwan.
Samantala sa datus ng PAGASA sa Pilipinas, kaninang alas 4:00 pm, bagyong Fabian namataan sa layong 655 kilometers sa Northeast ng Itbayat Batanes. At taglay pa rin ang lakas ng hangin 150 km/h, na may bugsong umaabot sa 185 km/h. At kumikilos ito pakanluran sa bilis na 10 km/h. At dahil dito ay lalo pang lumakas ang hanging Habagat sa bansang Pilipinas.
At ayon sa Meteorological Bureau ng Taiwan asahan ang mga pag-ulan sa Northern Taiwan at mga panaka-nakang pag-ulan sa Central at Southern Taiwan. At asahan rin ang pagtaas ng alon sa mga babayin sa bansa habang papalapit ang bagyo.