Taiwan (November 19, 2021)- Isa nang krimen sa bansang Taiwan ang “stalking at harassment matapos itoy pumasa sa “third legislative reading nitong Biyernes.
Ang bagong batas ay tinatawag na “Stalking and Harassment Prevention Act”, kung saan kasama sa nakapaloob ay ang pag-espiya, pagbabanta, verbal abuse, pagpapadala ng mga malisyosong mensahe at audio files o pagpapadala ng mga gamit sa isang tao, at ang pwersahang panliligaw o hindi angkop na pangliligaw.
Sa mga lalabag sa batas ay makakatanggap ng written warning mula sa mga pulis at ang biktima ay maaring huminigi ng restraining order para hindi na makalapit pa ang salarin.
Maari rin pagmultahin ang suspek ng hanggang limang taong pagkakakulong o multa na aabot sa NT$100,000 hanggang NT$500,000.
Ang batas na ito ay epektibo anim na buwan matapos ang promulgation.