Taiwan (October 13, 2021)- Magandang balita para sa mga nais pumasok sa bansang Taiwan, dahil sa kakulangan ng mga manggagawa nais ng buksan ang kanilang sector ng migrant workers dahil ngayong taon ay bumababa sa 699,154 ang kabuuang bilang ng migrant workers kumpara noong 2020 na nasa 719,000 sa bansa.
Sinabi ni Labor Minister Hsu Ming-chun (許銘春) na kinokonsidera na ng bansa umano ang pagbubukas para sa mga migrant workers dahil sa kakulangan ng manggagawa sa bansa. At prayoridad umano papasukin ang mga “fully vaccinated” laban sa COVID-19.
“Related agencies have been discussing supporting measures once the ban is lifted, and fully vaccinated migrant workers will be given priority,” ayon kay Hsu bago ito pumunta sa isang meeting ng Social Welfare and Environmental Hygiene Committee meeting sa Legislative Yuan on labor subsidies.
Dagdag pa ni Hsu, na ang lahat ng papasok sa bansa ay kailanganin magpresenta ng Vaccination Card at Negative PCR test tatlong araw bago ang flight. At sasailalim pa rin sa Taiwan ng 14 days quarantine at isang linggo Self-Health Management. At hinggil sa bakuna naman ay wala namang nabanggit kung anong brand ang pwede lang pumasok.
Matandaang hindi na nagpapasok ng migrant workers ang bansa simula noong Mayo ng nagkaroon ng Outbreak ang bansa.
Source:Focus Taiwan