Taiwan (October 8, 2021)- Nagdesisyon na ang Ministry of Labor Committee na 5% ang gagawing taas sahod sa susunod na taong 2022.
Simula January 2022 ay magiging NT$25,250 na ang magiging minimum wage ng bansang Taiwan mula sa NT$24,000 o magiging NT$168 na per oras mula sa NT$160.
Napagkasunduan ng committee na 5% na ang magiging increase bagamat ang hinihingi ng labor groups ay 6-8% increase.
Sa ngayon ang panakula ay nakabinbin sa Gabinete para sa approval, pero ayon sa local media ay malamang ay susundin pa rin ng Gabinete kung ano ang magiging rekomendasyon ng Ministry of Labor Committee.