Taiwan (September 30, 2021)- Ngayong Oktubre ay nakatakdang idaos ang taonang meeting sa pagitan Labor Ministry, Economic Affairs, at sektor ng mga manggawa kung saan pag-uusapan kung itataas ang sahod sa taong 2022.
Ang Ministry of Labor at Ministry of Economic Affairs ay naniniwalang maaring itaas sa 6% ang magiging taas sahod sa susunod na taon. Sa isang Interview ng UDN kay National Development Council Minister Kung Ming-hsin (龔明鑫) naniniwala siya na maaring itaas ang Basic salary ng ng mga manggagawa mula 5%-6% dahil naging maganda naman umano ang naging takbo ng ekonomiya ng bansa ngayong taon.
Samantala sina Economic Affairs Wang Mei-hua (王美花) at Labor Minister Hsu Ming-chun (許銘春) ay nagpahayag ng suporta sa umanong taas sa para sa susunod na taon.
Kung matutupad ang proposal na 6% taas sahod, ang magiging buwanang sahod ng isang manggagawa sa Taiwan ay tataas na sa NT$25,440 o NT$1,440 dagdag sahod mula sa kasalukuyang NT$24,000.
Nakatakdang magkaroon ng taonang meeting ang Minimimum Wage Review Committee sa darating na October 8, upang pag-usapan ang nasabing taas sahod para sa susunod na taon.