Taiwan (August 27, 2021)- Bansang Taiwan muling walang naitalang lokal na kaso ng COVID-19 ngayong araw, base sa bagong datus na inilabas ngayong hapon ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong, ngayong araw ay nagtala lamang ang bansa ng 7 bagong imported na kaso ng COVID-19 na nagmula sa mga bansang Sweden, United States, Indonesia (3), at India (2). At isa naman ang naitalang nasawi.
Mga kumpirmadong kaso na mga nakalabas sa mga quarantine facilities ay umabot na sa 13,699 mula sa kabuuang 14,740 o nasa 92.7% sa buwan ng Mayo 11 hanggang Agosto 25.
Kabuuang datus ng COVID-19 sa bansa ay umabot na sa 15,954 kung saan nasa 1,392 dito ay mga imported cases at nasa 14,509 naman ay mga lokal na kaso. At kabuuang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 ay pumalo na sa 833 base sa datus ng CECC.