Taiwan (August 19, 2021)- Bansang Taiwan nagtala ng 6 kaso ng COVID-19 base sa bagong datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong, ang bansa ay nagtala ng 1 na kasong lokal mula sa New Taipei City at 5 na imported na kaso mula sa mga bansang Estados Unidos, Lithuania, Vietnam, at Iran. At 5 naman naitalang nasawi dahil sa COVID-19.
Samantala inihayag rin ng Command Center na nasa 13,545 mula sa kabuuang 14,681 na kumpirmadong kaso mula sa buwan ng Mayo 11 hanggang Agosto 17, ang nakalabas na sa mga quarantine facilities o nasa 92.3% na ang mga nakalabas.
Sa kabuuang datus ng COVID-19 sa bansa ay umakyat na 15,897 kung saan 1,356 ay mga imported cases at nasa 14,488 naman ay mga local cases. At kabuuang bilang ng namatay ay pumalo na sa 826.