Taiwan (August 5, 2021)- Bansang Taiwan nagtala ng labing isang kaso ng COVID-19 base sa bagong datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong, ang bansa ay nagtala ng anim lokal na kaso at limang imported na kaso mula sa mga bansang Pilipinas, Malaysia at Russia. At wala namang naitalang nasawi dahil sa COVID-19.
Naitala ang mga bagong lokal na kaso sa New Taipei City kung saan apat ang naitala. At tig-isa naman ang naitala sa Taipei City at Taoyuan City.
Samantala inihayag rin ng Command Center na nasa 13,001 mula sa kabuuang 14,522 na kumpirmadong kaso mula sa buwan ng Mayo 11 hanggang Agosto 3, ang nakalabas na sa mga quarantine facilities.