Taiwan (July 26, 2021)- Update hinggil sa kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa bansang Taiwan, nagtala ng 11 na mga bagong kaso ang bansa base sa bagong datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay CECC Head at Health Minister Chen Shizhong nagtala ng 10 local case ang bansa at isang imported case. At walang naitalang nasawi ngayong araw dahil sa COVID-19.
Naitala ang mga bagong kaso sa Taipei City kung saan apat ang naitala, New Taipei City at Taoyuan City ay nagtala ng tig-tatlong kaso.
Sa naitalang kaso ng COVID-19 mula May 11 hanggang July 24 na kung saan ay umabot sa 14,359 ay nasa 12,603 ang na-released na ayon sa CECC. At nasa 87.8% naman ang mga na-released sa quarantine facilities.
Sa kabuuang datus ng COVID-19 sa bansa ay umabot na sa 15,582 ang mga nagpositibo kung saan 1,257 ay imported cases at 14,272 ay mga local cases. Nasa 786 naman ang kabuuang naitalang nasawi kung saan 778 ay mula sa local cases.