Taiwan (July 21, 2021)- Update hinggil sa bagyong “In-fa”. Ang Meteorological Bureau ng bansang Taiwan ay nagpalabas na ng warning habang papalapit ang bagyo.
Ngayong alas 8:00 ng gabi, ang bagyong “In-fa” ay namataan sa layong 540 kilometers mula sa Taipei City na kumikilos pa kanluran na taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 180 km/h at bugso ng hangin na umaabot sa 200 km/h.
Ayon sa Meteorological Bureau, asahan ang malalakas na pagulan at malakas na bugso ng hangin na dala ng bagyo. At asahan sa Central at Southern Taiwan ang kalat-kalat na pag-ulan mula katamtaman hanggang malakas dulot ng bagyong In-fa.
Ang mga coastal areas naman ay inaasahan ang pagtaas ng alon at daluyong. At pinag-iingat rin ang mga nakatira sa mga bulubunduking bahagi sa posibleng landslide.
Asahan ang maulan na panahon hanggang sa araw Sabado ayon sa Metreological Bureau. At sa araw ng ng Linggo kung saan ang bagyo ay inaasahang nasa China na ay magdudulot pa rin ito ng pag-ulan sa bahagi ng Central at Southern Taiwan dala ng hangin mula sa buntot ng bagyo.