Taiwan (July 15, 2021)- Ulat hinggil sa COVID-19 sa bansang Taiwan, ngayong araw ay nagtala na lamang ng 14 na mga bagong lokal na kaso, base sa bagong datus na inilabas ngayong hapon ng Central Epidemic Command Center (CECC).

Ayon sa Command Center, ngayong araw ay nasa 14 ang naitalang kaso at 4 naman ang imported case. Samantala nasa 6 naman ang namatay.

Naitala ang mga bagong kaso sa Taipei City kung saan 9 katao ang nagpositibo, na sinundan naman ng Taouyan City na may 3 kaso at New Taipei City na 2 kaso naman.