Taiwan (June 22, 2021)- Muling isang magandang balita dahil ngayong araw ay nagtala lamang ng 78 na mga kaso ng COVID-19 ang bansang Taiwan base sa bagong datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay CECC Head at Health Minister Chen Shizhong, ngayong araw ay nagtala lamang ng 78 na lokal, at isang imported case. At anim na kumpirmadong namatay.
Naitala naman ang mga bagong kaso sa mga lugar ng New Taipei City kung saan meron 43 na kaso, sinundan ng Taipei City na may 25 kaso, Nantou County ay 3 cases, at Keelung City ay 2 cases. At ang mga lugar naman ng Miaoli County, Changhua County, Taoyuan City, Taichung City at Hsinchu County ay nagtala ng tig-isang kaso.
Sa datus ng CECC ay pumalo na sa 14,157 kaso kung saan nasa 1,166 ay pawang imported case at nasa 12,938 naman ang lokal na kaso. At kabuuang bilang ng namatay ay pumalo na sa 575.