Taiwan (June 20, 2021)- Good news, kaso ng COVID-19 sa bansang Taiwan lalo pang bumaba kung saan ngayong araw ay nagtala lamang ng 107 na local cases base sa datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister at CECC Commander Chen Shizhong, ngayong araw ay nagtala ang bansa ng 107 local cases, dalawang imported case at 11 ang naitalang namatay.
Kahapon ayon sa Kalihim ay nasa 58% na mga naka-quarantine ay na-release, at sa kabuuan ay bumubuti na ang lagay ng bansa pagdating sa kaso ng COVID-19, kung saan isang linggo na mababa ang naitatala.
Naitala ngayong araw ang mga bagong kaso sa New Taipei City kung saan 44 lokal na kaso ang naitala, sinundan ng Taipei City na may 31 kaso, Taoyuan City naman ay 16 kaso, Taichung City ay 6 cases, Hsinchu County na may 4 kaso, at Miaoli County ay 3 kaso. Samantala ang Changhua County, Keelung City at Yilan County ay nagtala ng tig-isang kaso.
Sa kabuuan datus ng CECC ay pumalo na sa 14,005 ang naging kaso ng COVID-19 sa bansa kung saab basa 1,165 ay imported cases at nasa 12,787 naman ay local cases. At kabuuang bilang ng namatay ay umabot na sa 549.