Taiwan (June 19, 2021)- Good news, kaso ng COVID-19 sa bansang Taiwan lalo pang bumaba kung saan ngayong araw ay nagtala lamang nh 127 na local cases base sa datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister at CECC Commander Chen Shizhong, ngayong araw ay nagtala ang bansa ng 127 local cases, isang imported case at 20 ang naitalang namatay.
Ayon sa Kalihim nasa 58% na mga naka-quarantine ay na-release na, at sa kabuuan ay bumubuti na ang lagay ng bansa pagdating sa kaso ng COVID-19, kung saan halos mag-isang linggo na mababa ang naitatala.
Naitala ngayong araw ang mga bagong kaso sa New Taipei City kung saan 81 lokal na kaso ang naitala, sinundan ng Taipei City na may 30 kaso, Taoyuan City naman ay 8 kaso, Hsinchu County na may 3 kaso, Hsinchu City at Keelung City ay nagtala ng tig-dalawang kaso, at Taichung City ay nagtala ng isang kaso.
Sa kabuuan datus ng CECC ay pumalo na sa 13,896 ang naging kaso ng COVID-19 sa bansa kung saab basa 1,163 ay imported cases at nasa 12,680 naman ay local cases. At kabuuang bilang ng namatay ay umabot na sa 538.