Taiwan (May 30, 2021)- Ngayong araw ng Linggo, bansang Taiwan nagtala ng 355 na mga bagong local na kaso ng COVID-19 kasama na ang backlog. Ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister Chen Shizhong, ngayong araw ng Linggo ay nagtala ng 266 na mga bagong local na kaso ng COVID-19 at 89 na mga backlog at naitala naman ang 11 namatay.
Naitala naman ang mga bagong kaso sa mga lugar ng New Taipei City kung saan 193 ang naitala, sinundan naman ito ng Taipei City kung saan 85 ang naitala, sumunod naman ay Taoyuan City kung saan 24 lokal na kaso ang naitala, ang mga lugar naman ng Miaoli County, Taichung City at Changhua County ay nagtala ng 9 na mga kaso, sumunod naman ay ang lugar ng Keelung City kung saan 8 kaso ang naitala, sinundan ng Hualien City kung saan 6 na kaso ang naitala. Ang sumunod naman ay Nantou County na may apat, tatlo naman sa Chiayi County. Samantala tig-isa naman ang naitala sa mga lugar ng Lianjiang County, Taitung County, Yilan County, Hsinchu City, at Kaohsiung City.