Taiwan (May 27, 2021)- Kaso ng COVID-19 sa Taiwan lalo pang tumataas sa kabila ng pataas ng Alarma sa ikatlong lebel. Ngayong araw ng Huwebes ay nagtala ng 671 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang bansa kasama ang backlog ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC)
Ayon Kay Commander at Health Minister Chen Shizhong, Ngayong araw ay nagtala ng 401 local case at 4 imported case mula Pilipinas at India. Samantala meron namang backlog sa datus na 266, kaya sa kabuuan ay pumalo na sa 671 cases. Nasa 13 naman ang naitalang nasawi ngayong araw.
Nanatili pa rin ang New Taipei City na may mataas na bilang kung saan ngayong araw ay nagtala ng 177 cases, Taipei City ay 130 cases, Taoyuan ay 18 cases, 15 cases naman sa Keelung City, 14 cases sa Kaohsiung City, 10 kaso naman sa Changhua County, 7 cases sa Taichung City, 6 sa Hualien County, 5 cases naman ang naitala sa Yilan County. Sa Hsinchu County at Taitung County ay tig-apat na kaso. Samantala sa Pingtung County ay tatlong kaso, tig-dalawa naman sa Chiayi City at Lianjiang County. At tig-isa naman sa mga lugar ng Miaoli County, Nantou County at Yunlin County.
Kabuuang bilang ng COVID-19 sa Taiwan pumalo na sa 6,761 kung saan 1,124 ay imported cases at 5,584 naman ay local cases. At 36 naman ay mula sa Dunmu fleet, 2 mula sa aircraft infections, 1 unknown at 14 cases under investigation pa. At kabuuang bilang ng namatay pumalo na sa 59.