Taipei, Taiwan (May 26, 2021)- Ngayong araw ng Miyerkukes bansang Taiwan nagtala ng 635 na mga bagong kaso ng COVID-19 ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon sa Ahenysa, nagtala ng 302 na mga local case at 2 imported case ay mga Taiwanese mula sa China at India. At 331 na backlog cases. Samantala nasa 11 naman ang naitalang namatay.
Ang mga bagong kaso ay naitala sa lugar ng New Taipei City kung saan umabot ng 152, Taipei City 87, Taouyan City 21, Keelung City 13, Taichung City 9, Hsinchu County 4. Ang Pingtung County, Yunlin County, Tainan City, Yilan City, Changhua County at Kaohsiung City nagtala ng tig- 2. Samantala tig-isa naman ang naitala sa mga lugar ng Hualien County, Chiayi City, Taitung County, at Lianjiang County.
Sa kabuuan ay pumalo na sa 6,091 ang naitalang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa kung saan ang local na kaso ay nasa 4,918 at 1,120 naman ang imported cases. At 36 mula sa Dunmu Fleet, 2 mula sa Aircraft, 14 under investigation, 1 Unknown, at 46 naman ang kabuuang nasawi.