Taipei, Taiwan (May 25, 2021)- Tinatayang aabot sa 60 toneladang mga patay na isda ang tumambad sa malalaking ilog sa Taoyuan City ayon sa Municipal Water Affairs Bureau ng lungsod.
Ayon sa MEAB ng Taoyuan City nakatanggap umano sila ng report mula sa mga residente umaalingasaw ang mga patay na isda sa may Xinyuan Bridge, Jialing River mula Rende Bridge, Nankan River sa Qingxi Bridge malapit sa Xingfu Road ng Taoyuan District at Guanyin Ohori River sa may Ohori Bridge.
Ayon sa ahensya, dahil sa init ng panahon ay tumataas ang temperatura ng tubig sa mga ilog sanhi ng malawakang “fish kill.”
Kaagad namang inaksyunan ng abensya ang nasabing problema kung saan nasa 30 katao ang nagtulong-tulong gamit ang lambat upang maalis ang mga patay na isda sa mga nasabing ilog upang hindi na magdulot pa ng polusyon sa ilog at masamang epekto sa kalusugan ng mga tao.