Taipei, Taiwan (May 24, 2021)- Kaso ng COVID-19 sa Taiwan lalong tumaas, ngayong araw ay nagtala ng 334 na mga bagong lokal kaso at 256 na backlog ayon sa Central Epidemic Command Center.
Ngayong araw ng Lunes kinumpirma ni Health Minister Chen Shizhong, na nagtala ng 6 na patay, 5 imported case mula sa Pilipinas, Nepal, at India. Naitala naman ang 334 na mga bagong kaso ng local case at 256 backlog ang bansa.
Naitala ang mga bagong kaso sa mga lugar ng New Taipei City kung saan 177 ang naitala, 99 sa Taipei City, 19 sa Taoyuan City, 12 sa Changhua County, 7 naman sa mga lugar ng Keelung City, at Taichung City. Samantala 5 naman sa Kaohsiung City, 3 naman sa Pingtung County at Tainan City, at tig-isa naman sa Nantou County at Hsinchu County.
Sa kabuuan ay umabot na sa 4,917 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 1,116 ay imported case at 3,748 local cases at 29 ang naitalang namatay.