Manila, Philippines (Mayo 23, 2021) – Lagpas na sa 4 milyong dosage na ng COVID-19 vaccine ang naibigay sa mga mamamayang Pilipino, ito ay ayon sa pahayag ng National Task Force Against COVID-19, Linggo.
Ang Pilipinas ay nasa ika-13 na puwesto sa 47 na bansa sa Asya na nakapagbigay na ng COVID-19 vaccine sa mga mamamayan. Ang bansa naman ay nasa ika-37 na puwesto sa buong mundo.
Ayon naman sa isang pahayag ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., na dapat ang pamahalaan ay makapanghikayat pa ng maraming mamamayan upang magpabakuna laban sa COVID.
Ang tumataas na numero ng mga nagpapabakuna sa bansa ay makapagbibigay ng pag-asa na masugpo ang pagkalat ng sakit at mapaunlad muli ang ekomiya at kabuhayan ng mga Pilipino.
Upang maabot ang target na 70 milyon na dosage ng bakuna ang maibigay sa mga Pilipino sa katapusan ng taon ay dapat nasa 500,000 kada araw na bakuna ang maibigay sa mga mamamayan.