Manila, Philippines (May 23, 2021)- Patuloy parin ang konstruksyon ng 38-km PNR Clark Phase 1, na bahagi ng massive North-South Commuter Railway (NSCR) Project. Nasa kalagitnaan man ng pandemiya ay sinisigurado pa rin ng pamahalaan na maserbisyohan ang mga mamamayan at maipagpatuloy ang mga nasimulang build, build, build projects.
Noong 1990’s pa ang planong ito ngunit hindi naipagpatuloy dahil sa mga hindi pagkakaintindihan at mga isyu sa pamahalaan.
Ngayon, dahil sa pagpupursige ng Department of Transportation (DOTr), sa pamumuno ni Sec. Arthur P. Tugade, at ng Philippine National Railways, sa panumuno ni GM Junn Magno, nabigyang prayoridad ang proyekto, at unti-unti na ngang naisasakatuparan.
Oras na maging operational na ang PNR Clark Phase 1, na ko-konekta sa Malolos, Bulacan, at Tutuban, Manila, magiging 35 minuto na lamang ang biyahe ng ating mga kababayan, mula sa kasalukuyang isang (1) oras at 30 minuto.
Inaasahan din na nasa 300,000 pasahero ang mase-serbisyuhan ng PNR Clark Phase 1.
Maliban sa hatid na ginhawa sa pag-biyahe, layon din ng proyekto na makapagbigay ng trabaho sa ating mga kababayan, upang makatulong sa pang-araw araw nilang pangangailangan.
Sa katunayan, tinatayang nasa kabuuang bilang na 7,500 katao ang estimate na mabibigyan ng trabaho habang isinasagawa ang konstruksyon ng proyekto. 2,000 trabaho naman pa ang naghihintay oras na matapos at maging operational ang kabuuan nito.
Photos Courtesy: Leonel De Velez and Sumitomo Mitsui Construction Corp.