Hong Kong (Mayo 23, 2021)- Isang 44 years old na Indonesian domestic worker ang namatay matapos umano ang siyam na araw (9)simula noong maturukan ng ikalawang COVID-19 vaccine dose. Ito’y ayon sa mga health authorities.
Sa isang pahayag ng Health Department ng Hong Kong, nakakuha ng isang Hospital Authority report na nagsasabing ang pagkamatay ng domestic worker ay walang kaugnayan sa BioNTech vaccine dose na natanggap nito sa isang community vaccination center noong May 12.
Ang domestic worker ay nakaramdan ng panghihina sa katawan makatapos ang second dose ng bakunang natanggap.
Wala ng malay ito ng matagpuan ng kanyang employer sa kanilang bahay sa Block 1 ng Cascades sa Hung Hom, ayon sa mga kapulisan. Ito ay sinugod sa Kwong Wah Hospital at idineklara na dead on arrival.
Walang impormasyon tungkol sa kanyang medical history.
Ang kaso ng Indonesian domestic worker ay nasa Coroner na, upang matuonan ng pansin sa pagsisiyasat at malaman ang totong nangyari sa pagkamatay at ang mga negatibong epekto ng Covid-19 immunisation.