Taipei, Taiwan (Mayo 22, 2021)- Bansang Taiwan nagtala ng 323 na mga bagong kaso ng COVID-19 ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister Chen Shizhong, nasa 321 na mga bagong local case ang naitala ngayong raw ng Sabado at 2 naman ay imported case mula sa Pilipinas at United Kingdom. Samantala 2 naman ang naitalang nasawi.
Ang Kabuuan datus ay umabot na 3,862 matapos itama at idagdag ng ahensya ang 400 na mga local case noong nakaraang Linggo. Samantala sa datus ay lumalabas na nasa 1,108 ay imported case at nasa 2,701 naman ang local case. At nasa 17 naman ang naitalang nasawi.
Nanawagan ngayon ang ahensya na “Mag-stay at home” lang muna at huwag lalabas kung hindi naman kailangan. At laging magsuot ng Face mask, at maghugas ng kamay.